Francisco: Oplan Greyhound tuloy-tuloy

July 14, 2021 Jonjon Reyes 251 views
MPD
Sa isang MPD Press Corps (MPDPC) forum, tiniyak ni MPD Director PBGen. Leo M. Francisco, na hindi makakalusot ang mga iligal na droga sa Lungsud ng Maynila. Kuha ni JON-JON REYES

TULOY-TULOY ang ginagawang Oplan Greyhound ng Manila Police District (MPD) upang masugpo ang pagpasok ng mga kontrabando sa mga kulungan sa mga police stations sa Maynila.

Sa isang MPD press corps (MPDPC) forum, tiniyak ni MPD Director PBGen. Leo M. Francisco, na hindi makakalusot ang mga iligal na droga sa Lungsud ng Maynila.

Dalawang jailer ang tinanggal makaraang matuklasan sa may mga droga, drug paraphernalia at pera sa mga binabantayang piitan nito.

Ayon kay PBGen. Leo M. Francisco, iniimbestigahan na nila kung kasabwat ang nasabing mga jailer na hindi na pinangalanan pa dahil nakalusot ang mga kontrabando sa mga nasabing piitan.

Sa ngayon ay tatlong istasyon na lamang ng pulis ang hindi pa naisasalang sa Oplan Greyhound.

Samantala, inanunsiyo rin ni PBGEN. Leo M. Francisco na 96 percent na ng mga miyembro ng MPD ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

Halos 200 na lamang ang hindi pa nababakunahan dahil sa ilang medical reason habang ang iba naman ay namimili ng bakuna. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE