Estafa HULI–Hindi na nakapalag ang finance officer na ito nang arestuhin ng mga pulis ng Manila Police District sa isang hotel sa Ermita, Maynila noong Biyernes. Kuha ni Jon Jon Reyes

Finance officer arestado sa estafa

October 20, 2023 Jonjon Reyes 144 views

LAGLAG sa kamay ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District ang isang 54- anyos na finance officer dahil sa estafa sa isang hotel sa Roxas Boulevard, Malate, Manila noong Biyernes.

Nakilala ang suspek na si alyas Armando 54, networking/finance officer na taga-Las Piñas City.

Batay sa report ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DSOU, bandang alas-3:00 ng umaga nang isilbi ang arrest warrant sa suspek sa pangunguna ni Police Major Dave Garcia, deputy commander ng DSOU, kasama sina Police Captain Edgar Julian, Police Captain Renz Crizztofer Figuerroa sa isang hotel sa panulukan ng Roxas Boulevard at Dr. J. Quintos St. sa Malate.

AUTHOR PROFILE