Posas

Suspek sa nakawan huli sa Navotas

October 20, 2023 Edd Reyes 163 views

NALAMBAT ng mga pulis ng Northern Police District (NPD) ang isang suspek sa nakawan noong Huwebes habang pagala-gala sa kanilang barangay sa Navotas City.

Nahuli ang suspek na si Mario, 51, nang makatanggap ng impormasyon si Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nasa Navotas lang ito.

Nahuli ang suspek nina P/SMS Jimmy Duban, P/SMS Alano Quista at P/SSg Joseph Serevilla ng warrant and subpoena section (WSS) ng Navotas police.

Dakong alas-5:15 ng hapon nang maaresto ng pulisya ang suspek na residente ng Brgy. Tangos sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Misael Madelo Ladaga ng Branch 292 para sa kasong pagnanakaw.

AUTHOR PROFILE