Default Thumbnail

Fetus nakuha sa basurahan sa Maynila

December 11, 2023 Jonjon Reyes 149 views

ISANG patay na fetus na tinatayang 6 o 7 buwan ang natagpuan sa kumpol ng basura sa Leon Guinto at Kapitan Tikong Sts., Malate, Maynila noong Sabado.

Natagpuan ang fetus ni Police Executive Master Sergeant Emmanuel Parungao makaraang iutos ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 9, na respondehan ang tawag ni Raymond De Vera, tanod ng Brgy. 727, Zone 79.

Bandang alas-8:15 ng umaga nang madiskubre ni Bryan Inocida, 32, garbage collector, ang isang bagay na nakalagay sa plastic bag sa tumpok ng basura sa naturang lugar .

Nang kanyang pagmasdan, isang fetus ang nakita niya kaya agad niyang sinabi sa security guard na si Camille Villanueva ng University Place Building.

Magkahiwalay na imbestigasyon ang isinasagawa ng Station 9 at ng Homicide Section ng MPD para malaman kung paano at sino ang nagtapon ng kawawang fetus sa lugar.

AUTHOR PROFILE