Posas

Feeling siga tiklo sa shotgun na paltik sa Maynila

December 11, 2023 Jonjon Reyes 212 views

HINULI ang isang feeling siga sa San Andres Bukid, Maynila noong Linggo dahil sa improvised shotgun na pinagmamayabang.

Nakilala ang suspek si alyas Taba, 23, ng Oro B St., Brgy 770, San Andres Bukid.

Sa ulat ni Police Captain Virgilio Maboloc, hepe ng Intelligence Section ng Manila Police District, bandang alas-11:50 ng umaga nang maispatan ang suspek na nagsisisigaw at may hawak na paltik na shotgun sa panulukan ng San Andres at Amatista St., sa Brgy. 808, San Andres Bukid.

Una rito, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang barangay tanod kaugnay sa isang lalaking armado ng baril na may cal. 38 na baril at naghahamon ng away sa mga nagdaraang tao.

Nadatnan ang suspek at mabilis na dinisarmahan ng mga pulis saka pinosasan.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 155 (Alarm and Scandal) at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions) si alyas Taba.

AUTHOR PROFILE