Itak

Farmer patay sa taga dahil sa selos

October 30, 2023 Gil Aman 205 views

PINAGTATAGA hanggang sa mapatay ang isang magsasaka ng kapwa magsasaka na lasing na lasing dahil sa matinding selos sa Brgy. Layugan, Pagsanjan, Laguna noong Linggo.

Kinilala ng Pagsanjan police ang biktima na si Carlos Lorena.

Namatay si Lorena dahil sa dami ng taga sa iba’t-ibang parte ng katawan na inabot mula sa suspek.

Mabilis tumakas matapos ang insidente ng pananaga ang suspek na si Alyas Richard, ayon sa mga pulis.

Hindi binangit ang pangalan ng babaeng kasama nang puntahan sa farm ng lasing na suspek ang bahay ng biktima

Ayon sa report, dumating ang suspek sa bahay ng biktima saka kinumpronta ito na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas 9:00 ng gabi nang dumating ang suspek at pinagsabihan ng biktima na umuwi na.

Imbes na sumunod, ilang sandali lang bumalik na ito at bitbit ang matalas na itak saka tinaga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Matapos ang pananaga, tumakas na ang suspek papuntang Magdalena, Laguna. Mahaharap sa kasong murder ang suspek sa oras na mahuli.

AUTHOR PROFILE