Mcclise

Fans, abangers sa update ng hiwalayang McLisse

January 11, 2023 Vinia Vivar 338 views

Marami ang nag-aabang ng bagong update sa hiwalayang McCoy de Leon at Elisse Joson.

Mula nang mag-post ang aktor ng kanyang panig sa kanyang Instagram Story a few days ago kung saan ay nilinaw niya na walang third party involved, wala na tayong narinig pa mula sa kanya.

Si Elisse naman ay tahimik pa rin at walang anumang pahayag tungkol sa hiwalayan.

Kaya naman bitin na bitin ang kanilang fans at nag-aabang ng kanilang susunod na pahayag since napakabilis nga ng pangyayari at ‘yung iba nga ay parang hindi pa matanggap.

Sa vlog ni Ogie Diaz ay sinabi niyang nakapalitan niya ng text message ang tatay ni Mccoy na si Mark de Leon.

Hiyang-hiya raw si Mark sa nangyari.

“Hiyang-hiya ako sa nangyari. Pasensya na po,” mensahe umano ng ama ni Mccoy.

Kung ano ang actually ang ikinahihiya ng tatay ni McCoy, ‘yan ang hindi pa natin alam.

Matatandaang nagbigay ng ilang statements ang aktor kamakailan sa kanyang IG at sinabing walang ibang taong involved sa kanilang hiwalayan.

Talaga lang daw sobrang dami ng problema kaya siya sumuko.

Ano ba talaga ang misteryo sa paghihiwalay ng McLisse at bakit nasabi ‘yun ng ama ni McCoy?

Isa lang ‘yan sa nakaraming tanong na naghahanap ng kasagutan regarding the breakup. Sana nga’y marinig natin ang mga sagot or mabigyan man lang ng linaw ang mga bagay na malabo.

AUTHOR PROFILE