Dolly

Dolly, ‘lotlot’ kay Angela Bassett sa Golden Globes

January 11, 2023 Jun Nardo 248 views

TALUNAN man sa Golden Globes ang kababayan nating ni Dolly de Leon, makasayasayan naman ang nominasyong nakuha niya sa Golden Globes bilang first Pinay actress na ma-nominate doon.

Ang Hollywood actress na si Angela Bassett para sa pelikulang Black Panther: Wakanda Forever ang nagwagi bilang best supporting actress sa seremonyas na ginawa sa Beverly Hills Hilton Hotel sa California.

Of course, isa kami sa proud sa nominasyon ni Dolly and hopefully, mabigyan din siya ng nomination sa darating na Oscar Awards na ngayong January 24 ilalabas.

Pero may isa pang nominasyon si Dolly at mula naman ‘yon sa BAFTA na British Awards naman.

Balita namin, may ilang producers na interesado nang kunin si Dolly sa kanilang project.

‘COMPOSER KA LANG’

UNIQUE na unique ang title ng upcoming concert ng composer na si Louie Ocampo na magsisilbing 45th anniversary show niya.

Ang title?

Composer Ka Lang na gaganapin sa February 4 and 5 sa The Theater sa Solaire.

Kuwento ni Louie sa kanyang presscon, hanash ng isang talunang singer na babae sa kanyang social media account ang linyang ‘yon.

“Eh, contestant siya sa Showtime. I don’t know kung hindi ko siya binoto para manalo. Tapos, nabasa nga ‘yun ng friends ko na nakalagay na, ‘Composer Ka Lang.’’’ Hindi naman ako na-bother at hindi na ako sumagot.

“Pero eventually, humingi rin siya ng sorry sa Showtime. Hindi ko na alam what happened to her,” sabi ni Louie.

Of course, ‘pag Louie Ocampo ang composer, naaalala natin ang mga song na Tell Me at iba pang kanta nina Martin Nievera, Basil Valdez, Zsa Zsa Padilla, Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Sarah Geronimo at marami pang iba na ini-expect na magiging bahagi rin ng concert ni Louie upang kantahin ang ginawa niyang hit songs.

Wala si Joey Albert, na naging special din kay Louie, dahil hindi magtagpo ang oras at araw nila.

Gayunpaman, may plano si Louie na magkaoon sila ng US tour ni Joey.

AUTHOR PROFILE