Default Thumbnail

Explosives, baril nahukay sa Laguna

February 19, 2024 Gil Aman 59 views

NAKA-recover ng malalakas na explosives at mga improvised na baril sa operation ng 4th Maneuver Platoon 2nd Laguna Provincial Mobile Force Company (LPMFC) noong Linggo sa Brgy. Lambac, Pagsanjan, Laguna.

Sa report ni Laguna Police Provincial Director P/Col. Gauvin Mel Unos, nadiskubre ang mga pampasabog sa tulong ng mga Barangay Information Network (BIN).

Ayon sa pulisya, dakong alas-3:00 ng hapon ng matukoy at mahukay ang mga ibinaon ng hindi kinilalang mga tao ang isang sako na naglalaman ng war materials.

Kabilang sa ibinaon ang isang improvised 12 gauge shotgun, tatlong live ammunition ng 5.56mm, dalawang live ammunition ng 12 gauge shotgun, isang M203 grenade, isang battery at isang meter ng wire.

AUTHOR PROFILE