Posas

Kelot na may droga, boga huli ng mga parak

February 19, 2024 Jojo C. Magsombol 74 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Swak sa selda ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang maaresto kamakailan sa Brgy. Mataas na Lupa, Taysan, Batangas, ayon sa report ni Batangas police director P/Col. Samson Belmonte kay Calabarzon Police Office Director P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas.

Nakilala ang suspek na si alyas Alex ng Taysan, Batangas.

Naaresto si alyas Alex ng Municipal Drug Enforcement Team (MDET) ng Taysan Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PCMS Anthony Andrew Landicho.

Nadakma ang suspek matapos ang bilihan at iabot sa poseur-buyer na si Pat Merwin Abanilla De Chavez ang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Natimbog ang suspek sa buy-bust na may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) alas-7:30 ng gabi.

Nang i-search, nakumpiska ng mga pulis ang mga marked money, kalibre .45 pistol, isang magazine at apat na bala.

AUTHOR PROFILE