Lalaki sumemplang sa motor, tigok
PATAY ang lalakI ng mawalan ng kontrol ang kanyang motorsiklo at sumemplang sa kalsada sa Brgy. Balagtas, Batangas City.
Nakatira sa Brgy. Aplaya, Bauan, Batangas, ayon sa Batangas City police, ang 61-anyos na biktima.
Sakay ng motor (888-OSO) alas-5:30 ng hapon ng mawalan ng kontrol sa steering handle kaya gumewang at sumadsad sa kalye ang biktima, ayon sa report.
Mabilis na nagresponde ang Bureau of Fire rescue ambulance at isinugod ang duguang lalaki sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Ira Alexis Aclan.