Crime

Ex-convict patay sa pamamaril

August 5, 2023 Gil Aman 266 views

PATAY ang isang ex-convict nang barilin sa Narra Road, Kings Farm, Bgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna Biyernes ng gabi.

Kinilala ng San Pedro Police ang biktima na si Marlon Dejumo.

Namatay sa mismong pinangyarihan ng pamamaril ang biktima dahil sa maraming tama ng bala mula sa hindi pa alam na baril.

Ayon sa Laguna Police Provincial office, naganap ang insidente alas 8:20 ng gabi.

Sinabi ng pulisya na dati nang nakulong dahil ilegal na droga.

AUTHOR PROFILE