Kulong

Nanghalay kulong na arestado pa

August 5, 2023 Jonjon Reyes 210 views

NAKAKULONG na pero timbog pa uli ng pulis ng Station Warrant Section ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 ang isang 41 anyos na binata.

Muling inaresto ang suspek makaraang madiskubreng may nakabinbing kasong panghahalay sa loob mismo ng Bureau of Corrections New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City Biyernes ng hapon.

Kinilala ni MPD Chief Police Brig.General Andre P. Dizon ang suspek na si alyas ‘Gelo,’ ng Green Estate, Malagasag F1,, Imus Cavite.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, Station Commander, bandang 3:30 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa nasabing lugar.

Inaresto ang suspek sa pangunguna ni Police Captain Mel Soniega, hepe ng Warrant and Subpoena Section.

Ayon kay Police Major Philip Ines, ng MPD Public Information Office, pinuri ni Dizon ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO).

AUTHOR PROFILE