Default Thumbnail

‘Ex-con’ natagpuang dedo sa ilalim ng LRT-UN Station

May 23, 2023 Jonjon Reyes 203 views

POSIBLENG bumigay na diumano ang katawan at tuluyan ng binawian ng buhay ang isang sinasabing “ex-convict,” umano nang matagpuan ang bangkay nito sa ilalim ng LRT Station Northbound sa United Nations (UN) Taft Avenue, Ermita, Maynila, Martes ng umaga.

Ang biktima ay nakilala lamang sa alyas na “Bebe Sakang,” tinatayang nasa 60 hanggang 65-anyos, may mga tattoo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, ayon sa inisyal na ulat.

Base sa ulat ni isinumite ni Det. Dennis Suba kay P/Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 6:30 ng umaga ng Mayo 23, nang madiskubreng nakahandusay at patay na umano ang biktima.

Sa salaysay ng isang “barker” sa lugar, huling nakitang buhay ang biktima bandang 6:00 ng gabi at natulog na sa bangketa sa naturang lugar.

Kinabukasan, tinangkang gisingin nito ang biktima, subalit hindi na ito tumitinag kung kaya’t ipinagbigay alam nito sa Plaza Lawton PCP (Police Community Precinct) sakop ng Station 5 ng MPD.

Agad namang inutos ni P/Lt. Col. Leandro Gutierrez, station commander, ang pagresponde sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima.

Matapos makordon ang lugar ay agad itong iniulat sa tanggapan ni Turla, kasama ang MPD-Forensic Unit upang isailalim sa imbestigasyon ang insidente.

Matapos maidokumento, pansamantalang inilagak ang labi ng biktima sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya.

AUTHOR PROFILE