Estudyante patay matapos ‘malason’ sa kinainang fastfood

April 22, 2022 Jonjon Reyes 100 views

HINIHINALANG nilason ang isang 20-anyos na estudyante sa isang kilalang fastfood chain sa lungsod ng Maynila batay sa ulat ng pulisya.

Nagawa pa maisugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Liam Charles Tolentino ng Maria Candelaria St., Maypajo, Caloocan city.

Batay sa isinumiting ulat ni Det. John Paul Rojo kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, bandang 1:00 ng hapon Abril 21 ng umano’y umorder ng pagkain sa isang fastfood chain sa Carriedo, Sta. Cruz ang biktima.

Bigla umanong nagsusuka ang biktima habang kumakain at napag-alaman sa ama nito na nagkaroon ng “anxiety” o panic attack ang anak matapos makaramdam ng paninikip ng dibdib.

Dahil dito mabilis na isinugod sa nasabing ospital ang biktima na kung saan idineklara itong dead on arrival.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung aksidenteng nalason o sadyang “nilason” ang biktima habang hinihintay ang resulta ng awtopsiya nito sa pinagdalhang morgue.

AUTHOR PROFILE