Richard

Esther, kinumpirma ang hiwalayang Richard-Sarah

December 28, 2023 Vinia Vivar 120 views

May pasabog ang nanay ni Sarah Lahbati na si Esther tungkol sa estado ngayon ng anak at ng mister nitong si Richard Gutierrez.

Sa Instagram post ni Sarah kasama ang mga anak na sina Zion at Kai noong Christmas Eve, nilinaw ni Gng. Esther sa comment section na nasa kanila ang dalawang bata nitong Kapaskuhan at inaming co-parenting ang set-up ng mag-asawa.

“Na kay Sarah sina zion at Kai. Live na Live with the family of Sarah. Co parenting sila ng tatay,” ang pahayag ng mudra ni Sarah.

Tila pagkumpirma na rin ito na hiwalay na nga sina Sarah and Richard dahil ang “co-parenting” set-up ay para lamang sa mag-asawang may anak na naghiwalay.

Isa pang nakumpirma sa post ni Esther ay hindi pala nakasama ni Richard ang mga bata sa Japan nitong Pasko at na kay Sarah ang mga ito.

Anyway, hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon sina Sarah and Chard mismo hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

AUTHOR PROFILE