Ellen Larawan: Ellen Adarna/IG

Ellen Adarna kay Derek: ‘Happy Immature Birthday My Love’

December 8, 2023 People's Tonight 147 views

PABIRONG binati ng aktres na si Ellen Adarna ang kanyang nobyong hunk aktor na si Derek Ramsay na 47 years old na ngayong araw Disyembre 7, 2023.

Tila gumawa pa ng listahan ang aktres sa kanyang post. Aniya, “Name: Derek Arthur Ramsay, Gender : Male, Relationship Status : Married, Age : IMMATURE, Zodiac Sign : Sagittarius, and Chinese Zodiac : Dragon”

“Happy Immature Birthday My Love 😂! My GOR! 🎁🎊🎂❤️🎈😘 I love you soooo very very very much! You make me feel young 😂, happy, content, lucky and blessed #wow,” kwelang dagdag pa ni Ellen kalakip ang ilang mga larawan ng aktor.

Bukod pa sa nakakatuwang post ng aktres, sinurpresa naman niya si Derek ng isang cake, at kumanta pa ito ng Happy Birthday song dahilan para magising ang aktor sa mahimbing nitong pagkakatulog.

AUTHOR PROFILE