Zia Larawan: Teddy Manuel/IG

Marian dream come true ang descendants-themed party ni Zia

December 8, 2023 People's Tonight 175 views

ALL out ang naging birthday party ng panganay na anak nila ni Dingdong at Marian Rivera-Dantes na si Zia Dantes, matapos ang bonggang descendants-themed birthday party nito.

Sa Facebook reel na binahagi ng GMA Primetime Queen sinabi niyang priceless ang naging reaction ni Zia sa kanyang whimsical birthday. Dagdag pa ni Marian, dream come true rin ito para sa kanila.

Aniya, “Zia’s 8th birthday party was a Descendants dream come true! From the decorations to the costumes, every detail was perfect, and Zia’s joy was palpable throughout the day…”

Mala-princess naman si Zia suot ang custom-designed gown from Steph Tan Couture at isang tiara. Prince Charming naman nito ang kanyang kapatid na si Sixto Dantes suot ang royal costume.

Ang room ni Zia ay na-transform sa isang enchanting na lugar na mayroong iba’t ibang bulaklak, apples, candles, at iba pa, na design ng event stylist na si Teddy Manuel.

AUTHOR PROFILE