Sarah

Sarah, ligwak sa pagpa-Pasko ng pamilya Gutierrez sa Japan

December 8, 2023 Vinia Vivar 115 views

Kinumpirma ni Annabelle Rama na isang buwan nang nakatira sa bahay niya ang anak na si Richard Gutierrez.

Ito ay sa gitna ng mainit na issue ng hiwalayan ng aktor at asawang si Sarah Lahbati.

“Si Richard, nasa bahay ko ngayon, one month na,” ang pag-amin ni Tita Annabelle sa panayam sa kanya ni MJ Felipe ng ABS-CBN.

“Pero unti-unti siyang lumilipat ng gamit sa Alabang. Lilipat na siya after Christmas,” dagdag niya.

Tungkol sa breakup issue ng mag-asawa, walang kinumpirma ang Gutierrez matriarch at sey niya, “Hindi pa ko pwede magsalita, eh, pero sasabihin ko sa ‘yo — si Richard nasa akin ngayon.”

Sa ngayon, ang dalawang anak umano nina Chard at Sarah na sina Zion at Kai ay nasa aktor.

Natanong din si Tita A. tungkol sa tsismis na hindi sila in good terms ni Sarah and she answered, “Nakikita mo naman, ‘di ba? Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na ‘yan. Si Richard, trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera. ‘Yun lang ang masasabi ko diyan.”

Dagdag pa niya, “Mahirap para sa kanya, kasi una, trabaho siya nang trabaho. Wala siyang ibang ginawa kundi magtrabaho. Pagdating niya sa Manila, hindi niya alam kung bakit nagkaroon ng gulo.”

Sinabi rin ng nanay ni Chard na lalabas din naman ang totoo kaya abangan na lang.

“Maghintay na lang kayo kasi malalaman niyo rin. Not now,” aniya.

Ibinalita rin ni Tita A. na sa Japan sila magpa-Pasko ng buong pamilya minus one.

“Lahat kami pupunta ng Japan. Christmas hanggang January 3… Sama-sama buong pamilya ko minus one lang,” aniya.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nagsasalita sina Richard at Sarah hinggil sa hiwalayan issue.

DONNY, NAG-A-ADJUST SA BUHAY-TELESERYE

Excited na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa mga dapat abangan ng manonood sa Can’t Buy Me Love lalo pa at mas makikilala na ng kanilang karakter ang isa’t isa.”

“It’s been a whirlwind of emotions. Ang dami na ng nangyari. I’m still adjusting sa teleserye life but kahit papaano worth it ang pagod since nakikita namin na natutuwa ang viewers sa story. It’s really exciting na our characters CarGo and the love story is about to unfold more,” saad ni Donny.

Bukod din sa kilig, isa pang dapat abangan ang pagkikita ng pamilya Tiu at ng kanyang community sa Tenament.

“It’s nice to see the Tiu family and the Team Binondo here in one set since our worlds are colliding na. Noong unang episodes kasi magkalayo pa so exciting yung mga darating na eksena kasi mas nagiging intense na,” he said.

Nagpapasalamat naman si Belle sa suporta ng kanilang fans lalo pa at nakikita niya kung paano tinututukan ng manonood ang bawat detalye at rebelasyon na kanilang nalalaman sa buhay nina Bingo (Donny) at Caroline (Belle).

“Para silang mga imbestigador, sa totoo lang. Kaya nilang i-predict kung ano ‘yung nangyayari sa story and natutuwa kami na minsan tama ‘yung predictions pero minsan parang ay mali ka d’yan. Madami pang mangyayaring katulad niyan in the future. Sobra kaming natutuwa sa feedback niyo. Kami rin, katulad din namin sila na talagang aabangang kung what’s going to happen next,” saad niya.

Sa ngayon, nabuo muli ang CarGo nang humingi si Caroline ng tulong kay Bingo para linisin ang pangalan ni Charleston na ngayon ay tinuturong may kagagawan sa pag-hack sa Cashama App.

Nalaman kasi ni Caroline na sinubukan ni Bingo ang nasabing marketing training ng totoong hacker ng business ng mga Tiu kaya naman maghahanap sila ng ebidensya laban dito pati na ang kaugnayan nito kay Edward (Enzo Pineda).

Samantala, maaari namang makita ng viewers nang personal ang DonBelle at cast ng Can’t Buy Me Love sa maaga nilang pamasko sa mga ito sa “Christmas Pasasalamat Party” ng show ngayong Sabado (Dis. 9) sa Market Market.

Napapanood ang Can’t Buy Me Love sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV at TV5. Maaari rin itong panoorin in advance sa Netflix o iWantTFC.

AUTHOR PROFILE