Robi Domingo Larawan mula sa IG/@iamrobidomingo

Robi Domingo nadenggoy ng business partners

December 8, 2023 People's Tonight 265 views

ISINIWALAT ng TV host na si Robi Domingo na minsan na siyang naloko ng kanyang mga partners sa negosyo.

Sa panayam kasama ng entertainment reporter at comedian-actor na si Ogie Diaz, napag-usapan nila ni Robi ang mga business ng TV host.

“So ang mga negosyo mo, Robi, ay hindi lang naman itong restaurant?” saad ni Ogie.

“Hindi, pero same partner. Dahil natuto na ko dati. May mga partners ako na pinagkatiwalaan ko ng sobra, in the end, wala,” wika naman ni Robi.

“Niloko ka lang?” sey pa ng entertainment reporter.

“Oo. Kaya medyo ano na ko,” pahayag ng TV host.

Paliwanag pa ni Robi na malaki ang natutunan niya pagdating sa negosyo at pagtitiwala sa kanyang mga kaibigan.

“Saka sa tiwala. Siguro, after the pandemic, mas okay na yung circle of friends ko pero buong-buo kami,” ani Robi.

Saad pa niya ay ayos lang daw na kaunti ang kanyang mga kaibigan basta raw ay may kalidad.

“Ilan lang pero quality. Kaysa ang dami, tapos di mo alam kung sino yung totoong kaibigan mo,” pagbabahagi ng TV host.

AUTHOR PROFILE