Daniel Larawan mula sa IG/@supremo_dp

Daniel Padilla panay inom ng alak after breakup — Cristy Fermin

December 8, 2023 People's Tonight 227 views

MAY nasagap daw na impormasyon ang beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin na napapadalas daw diumano ang pag-inom ng alak ng aktor na si Daniel Padilla matapos ang naging hiwalayan nila ng ‘A Very Good Girl’ actress na si Kathryn Bernardo.

Ayon pa sa kolumnista, baka raw ay promotion ng isang inuming ine-endorse ng aktor kaya napapadalas ang pag-inom nito ng alak.

“Hindi kaya promo ito nung ini-endorso niya na inuming nakahihilo at nakalalasing, kasi ang balita lagi raw lango, lagi raw lasing ngayon si ano, si Daniel. Ano bang masasabi mo doon?” sey ni Cristy kay Romel Chika.

“Naku eh, siyempre, natural alang naman yon sa mga naghihiwalay di ba ang lalake, siyempre yung ang pampalakas, pampalipas oras at pampatanggal ng kung anu-anong iniisip ang pag-inom. Pero eto kasi, kitang-kita sa boses niya na parang nabubulol na, kaya sinabi ko rin na nag-live nsiya na medyo ngenge na,” pahayag naman ni Romel kay Cristy sa online show nilang ‘Cristy Ferminute.’

“Alam mo, ako rin naman si Daniel, kung ganyan kasakit ang naganap sa akin, siguro ang kakampi ko rin ngayon eh alak, huwag na lang sana siyang kumampi pa sa ibang bisyo, alak na lang. At least wala siyang problema…Ang masakit lang pagkatapos ng espiritu ng alak, balik sa realidad,” pahayag pa ng beteranang showbiz columnist.

Matatandaang noong Nobyembre 30, ay halos magkasabay na naglabas ng statements sina Kathryn at Daniel kung saan kinumpirma nila parehong tapos na ang kanilang 11-taong relasyon.

AUTHOR PROFILE