ellaveronica

Ella at Marco, balik-tambalan sa ‘Gluta’

June 3, 2021 Ian F. Fariñas 223 views

galloISANG katutubong Aeta na nangangarap maging beauty title holder ang bida sa kwento ng bagong obra ni Direk Darryl Yap, writer-director ng blockbuster movie na Jowable at Vivamax original movies na Paglaki ko, Gusto ko Maging Pornstar, Tililing at Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

Parating na ang pelikulang Gluta, ang comedy-drama movie na tiyak na “relatable” sa maraming manonood.

Ipalalabas ito sa Vivamax simula July 2 at pinagbibidahan ni Ella Cruz, 2019 Cinemalaya best supporting actress.

Mula bata, nilalait na si Angel (Ella) dahil sa angking kulay, pero sinabi niya sa sarili na kahit ganu’n ang kulay niya, maganda siya at papatunayan niya sa mundo na mananalo siya sa isang beauty contest.

Sa paaralan niya magaganap ang Miss University pageant. Dahil sa isang masamang balak, papasok ang pangalan ni Angel bilang representative ng Miss Tourism.

Para tuluyan siyang masira, gagamitin ni Lovely si Bambino — ang crush ni Angel para saktan ito.

Habang hinahamak siya ng mga tao, lalo namang ipagmamalaki ni Angel ang sarili. Magpu-focus siya sa Miss University pageant kung saan masusubok ang kanyang kumpyansa sa sarili.

Excited si Ella dahil ito ang unang pelikula niya kasama si Direk Darryl.

Maraming humahanga kay Ella at marami siyang followers kaya naman siguradong tatatak ang papel niya sa Gluta.

Ang karakter ni Bambino ay gagampanan ni Marco Gallo, dating Pinoy Big Brother housemate, na isa na ngayong heartthrob ng Viva.

Ito ang ikalawang pelikula nina Ella at Marco matapos ang thriller movie na ipalalabas pa lamang.

Kasama sa Gluta si Juliana Parizcova Segovia bilang Uncle Goliath, na sikretong gumagamit ng glutathione at kabahagi ng LGBT.

Si Rose Van Ginkel naman ang gumaganap bilang si Lovely, at may mahalaga ring papel si Cristina Gonzales bilang teacher ni Angel.

Panoorin ang Gluta sa July sa Vivamax.

Mag-subscribe sa web.vivamax.net. Maaari rin itong mai-download at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store o bumili ng Vivamax vouchers sa Shopee at Lazada.

Mapapanood din ang Gluta sa Vivamax Middle East — UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain at Qatar.

AUTHOR PROFILE