Piolo wala nang appeal?

June 3, 2021 Joey Aquino 240 views

NGAYONG back to limelight na itong si John Lloyd Cruz, mukhang si Piolo Pascual naman ang inaabangan na muling magbabalik sa showbiz.

Sa totoo lang, hindi naman siya nag-indefinite leave gaya ng ginawa ni Lloydie. Mukhang wala lang siyang natatanggap na offer sa ngayon. O baka naman sadyang ini-enjoy muna niya ang bakasyon sa gitna ng pandemya. Matatandaan na pansamantalang nawala sa eksena ang aktor matapos mawala sa ere ang kanyang weekly show na Sunday Noontime Live sa TV5.

Sa kanyang pagsama kay Johnny Manahan, hindi maikakaila na nasaktan ang mga big boss sa ABS-CBN. Dahil sa kanyang ginawa, malinaw na ang kanyang loyalty ay hindi sa network kundi kay Mr. M. Bagaman naipaliwanag na niya ang tungkol dito, mukhang sariwa pa sa puso ng mga Kapamilya executive ang kanyang diumano’y pag-abandona sa network. Kung hindi, bakit ‘di pa siya nakakabalik sa Mother Ignacia?

Sa ngayon, visible siya sa social media na ini-enjoy ang kanyang provincial life. Na pati ang kanyang hitsura napabayaan na. Nagmukha na siyang ordinaryong tao. Kung hindi mo siya kilala bilang si Papa P, aakalain mo na hindi siya artista. In short, nawala ‘yung appeal. Comment nga ng isa kong friend, pati raw nipples niya nangitim na! And he looks untidy, dagdag pa niya. Nawala raw ‘yung kinang niya bilang artista.

Kamakailan, lumutang ang usapin tungkol sa diumano’y reunion movie nila ni Judy Ann Santos-Agoncillo. Ngunit kaagad na sinagot ito ni Juday na kung “putcho-putcho” lang ito na project ay huwag na lang daw ipagpilitan. Ibig sabihin ng “putcho-putcho” ay madalian.

Sa muling pagbabalik ng aktor sa showbiz, magiging Kapuso rin kaya siya gaya ni Lloydie? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

AUTHOR PROFILE