marian

Marian, pahinga sa social media

June 3, 2021 Ian F. Fariñas 234 views

KAPANSIN-PANSIN ang pananahimik ni Marian Rivera sa social media. Katunayan, miss na ng followers niya ang mga post ng Kapuso Primetime Queen.

Kung bibisitahin ang kanyang Instagram account, May 19 pa ang huling post niya kaya halos dalawang linggo na rin siyang wala sa eksena online.

Ayon sa isang source, sadyang naka-leave o hiatus ang misis ni Dingdong Dantes sa social media.

Pero wala itong binanggit na rason. Maaaring busy si Yan sa negosyong Flora Vida at Flora Vida Home o kaya naman ay nagsimula nang mag-aral ng Entrepreneurship gaya ng ibinalita niya sa isang virtual presscon kamakailan.

For now, magkasya na lang muna ang fans ni Yan sa re-run ng Endless Love nila ng mister niyang si Dingdong Dantes sa Kapuso channel sa June 7.

Speaking of Dingdong, naging member pala ang Kapuso Primetime King ng San Beda Cheerleaders Association.

Ipinalabas sa isang episode ng Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96 ang isang short video kung saan kasama si Dong sa mga nag-perform sa isang game.

Malamang, isa rin si Dingdong sa mga excited mapanood ang pagsisimula ng bagong season ng NCAA.

Sa ngayon, tumutok muna sa Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96 sa GTV, Mondays to Fridays, 2:45 p.m., Saturday, 4:30 p.m., at Sunday, 5:05 p.m.

lovibenjaLovi at Ben, kilig sa pagka-fan ni Kara ng ‘OML’

“Nakaka-flatter naman na si Ms. Kara David pa (ang isa sa mga nanonood sa amin). It’s really nice. It makes us feel very happy… Just hearing good words is something that makes us feel more inspired and (hopeful that) someday we get to work together soon,” ito ang saad ni Lovi Poe nang nalaman na hooked na hooked ang nasabing broadcast journalist sa GMA Public Affairs series na Owe My Love.

Sa interview sa GMANetwork.com, inamin ni Kara na itinitigil niya ang kanyang ginagawa at bawal siyang istorbohin pagdating ng 9:35 p.m. dahil sa romantic-comedy series.

Para naman kay Benjamin Alves, maituturing niyang success na ma-capture ng kanilang serye ang interest ng isang documentarist tulad ni Kara.

“I think the fact na nahuhuli namin ang kiliti ni Ms. Kara David, successful na kami… Nakakatuwa po na we were able to showcase a different side of us. Nakakatuwa na nakita rin ‘yun ng mga Kapuso natin. I hope that they will remember the show even after its run,” ani Ben.

Marami pang hinandang sorpresa ang Owe My Love sa nalalapit nitong pagtatapos ngayong Biyernes, 9:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Beauty, Kapuso na

KALAT na ang balitang lilipat sa GMA Network ang dating Kapamilya na si Beauty Gonzalez.

Matatandaang 2018 pa unang lumabas ang mga haka-hakang magiging Kapuso na ang aktres matapos mapabalitang bumisita siya sa GMA Network Center para kausapin ang ilang Kapuso executives.

Mas uminit ang mga ispekulasyon nang mag-guest si Beauty sa Kapuso game show na Celebrity Bluff ni Eugene Domingo.

Ngayon, kumpirmado nang mapapanood sa GMA-7 si Beauty na kabilang sa isang upcoming soap.

Excited na ang fans ng aktres sa gagawin niyang programa at kung sinong Kapuso stars ang makakatrabaho niya rito.

‘Voltes V: Legacy’ set, paandar

pinaglalaanan ng panahon at mabusising pinaghahandaan ng GMA Network ang bawat detalye para sa isa sa biggest projects nito, ang much-awaited live-action adaptation ng sikat na Japanese anime na Voltes V: Legacy.

Sa ulat ng 24 Oras nitong Lunes, ipinasilip ang set ng Boazanian Skull Ship na ayon sa direktor na si Mark Reyes ay inabot ng isang taon ang konstruksyon.

Aniya, “There are separate studios. The one for the Skull Ship, ang laki niya is siguro two basketball courts. ‘Yung laki naman ng Camp Big Falcon would be three to four basketball courts. Ganu’n kalaki ‘yung set, massive. When we saw it, even us were shocked.”

Nagsimula na ang lock-in taping ng Voltes V: Legacy kaya hindi naman maiwasan ng direktor na maging emosyonal dahil ito ang day one ng walong taon niyang paghihintay.

Nasukat na rin ng cast ang kanilang costumes.

Ang Voltes V team ay binubuo nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano at Raphael Landicho. Samantala, sina Martin del Rosario at Liezel Lopez naman ang gaganap bilang mga kontrabidang sina Prince Zardoz at Zandra.

AUTHOR PROFILE