Elisse at McCoy wala pa ring balak magpakasal

April 13, 2023 Aster Amoyo 557 views

Mccoy1NAGDIWANG ng ikalawang kaarawan last April 10 si Felize McKenzie, anak ng celebrity couple na sina McCoy de Leon (28) at Elisse Joson (27) at isang special birthday message ang ibinahagi ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account.

“Every gising is a blessing because of you, our ray of sunshine. Happy birthday, Felize. I love you so very much!!!@babyfelize.”

Kahit matagal na ang relasyon nina McCoy at Elisse (with two break-ups in between), mukhang wala pa ring planong magpakasal ang dalawa.

Ang loveteam nina McCoy at Elisse ay nabuo sa loob ng PBB house in 2016 na kanilang ipinagpatuloy sa kanilang paglabas.

It was in October 2021 nang mag-guest ang dalawa sa PBB house kung saan inimbitahan ng dalawa si Big Brother na maging bahagi sa mga godparent ng kanilang anak na si Felize. Doon lamang nalaman ng publiko na meron na palang anak ang couple naisinilangsa Amerika nung April 10, 2021.

Si Felize ang dahilan kung bakit muling nagkabalikan ang couple matapos ang kanilang brief break-up pero wala pa rin sa kanilang immediate plans ang marriage.

Ryle pangarap makasama sa isang proyekto ang ex-Hashtags

RyleLIMA na sa dating miyembro ng all-male dance group na Hashtags ang nasa bakuranna ng Viva Artists Agency (VAA), sina Vitto Marquez, McCoy de Leon, Wilbert Ross, Nikko Natividad at Ryle Santiago.

Except for Wilbert, Nikko and Vitto na nagkatrabaho na sapelikulang “Working Boys” produced by Viva Films, umaasa sina McCoy at Ryle na mabibigyan din sila ng pagkakataon na magkasama-sama sa isang pelikula o TV series.

Si Ryle ang latest addition sa bakuran ng VAA na kamakailan lamang lumagda ng kontrata.

Bukod sa acting, umaasa rin ang panganay ng aktres na si Sherilyn Reyes (Tan) at isa sa mga business unit heads ng ABS-CBN na si Junjun Santiago, kapatid nina Randy, Rowell at Raymart Santiago na mabibigyan din siya ng chance na makapag-record ng song sa Viva Records.

Since matagal nang hiwalay ang kanyang parents, he became closer to his stepdad na si Chris Tan whom he treats as his own father.

OctoArts balik sa pagpo-produce ng live concerts

KpopKpop1TIYAK na maraming K-Pop fans ang matutuwa dahil muling bubuhayin ng OctoArts Entertainment ni Orly Ilacad ang pagpu-produce ng live concerts featuring popular K-Pop artists this time.

Sa darating na June 11, 2023, nakatakdang magtanghal sa Smart Araneta Coliseum sina Baekhyun of EXO at ang Korean-Canadian soloist at dating member ng 1.0.1. na Jeon Somi in a concert billed as “OVERPASS: K-POP Music Concert to Manila!”.

OVERPASS is a platform that brings together R&B, soul and hip-hop artists of Asian descent mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. The concert is an entry to a global music gathering that celebrates Asian excellence in music.

Si Baekhyun (Byun Baek-hyun) ay isang popular South Korean singer, songwriter and actor habang si Jeon Somi who was born in Windsor, Canada to Korean parents ay dating member ng 1.0.1. before she embarked sa kanyang solo career sa pamamagitan ng kanyang debut single na “Birthday”.

Ibihagi sa amin ng OctoArts big boss na si Orly Ilacad na sunud-sunod ang mga kilalang K-Pop artists na dadalhin ng OctoArts Entertainment for live concerts in Manila at kasama na rito ang Lapillus at iba pa na nakatakda naming magtanghal rito sometime in August this year.

Ang OctoArts Entertainment used to produce live concerts in the past featuring popular foreign artists na kinabilangan noon ng Menudo, Stevie Wonder, Cindy Lauper, Laura Branigan, ang Norwegian band na Fra Lippo Lippi, among others.

Ang OctoArts din ang nag-produce ng kauna-unahang major solo concerts ng yumaong jazz musician na si EddieKatindig at ang tinaguriang `phenomenal star’ n asi Jessa Zaragoza.

Ang OctoArts ay nagsimula nung January 1978 bilang isa sa mga major recording companies which later branched out into producing films and live concerts.

Bela tuluy-tuloy na ang passion

BelaIT was sometime in October 2021 when Fil-British actress Bela Padilla decided to movie to London dahil sa pandemic pero habang naroon ay hindi nito kinalimutan ang kanyang passion sa acting, pagsusulat ng script, directing and eventually, bilang producer.

Every once in a while, she would fly back to Manila and even South Korea kung saan niya ginawa ang “Ultimate Oppa” and her recent movie project, ang “Yung Libro Sa Nabasa Ko” which she acted on, wrote, directed and co-produced with Viva Films, her home studio. Ang nasabing pelikula ay nakapasok bilang isa sa walong official entries ng tumatakbong 1st Summer Metro Manila Film Festival na magtatapos sa April 18, araw ng Martes.

Ayon kay Bela, hindi problema sa kanya kahit naka-base na siya sa London because she can always fly to Manila kung kinakailangan.

Since nasimulan na ni Bela ang wearing different hats bilang actress, writer, director at film producer na kanyang unang ginawa sa pelikulang “366” which was released late last year na sinundan nitong “Yung Libro Sa Napanood Ko,” tiyak na tuluy-tuloy na ang kanyang passion na ito.

Ang kanyang recent movie ay magsisilbing advance birthday gift niya sa sarili. She will be celebrating her 32nd birthday on May 3.

Mag-produce ng pelikula matagal nang plano ni Chavit

ChavitINAMIN ng rich and famous businessman and former politician na si Luis `Chavit’ Singson na possible umano niyang pasukin ang pagpu-produce ng pelikula kapag nakahanap umano siya ng tamang team na mangangasiwa ng kanyang itatayong film production.

“Matagal na ang planong `yan,” aniya. “Hindi lamang natutuloy kasi wala pa akong mapiling hahawak ng production.”

SUBCRIBE, like, SHARE and click the bell icon for notification “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ” with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE