Eleazar Pinarangalan ni PNP Chief Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar si PCol. Redentor C. Ulsano ng CIDG ng isang Medalya ng Kagalingan matapos na matagumpay na nahuli ng CIDG ang isang Most Wanted Person sa national level. Nakamasid si Police Lt. Gen. Ephraim Dickson. Kuha ni JON-JON REYES

Eleazar pinarangalan ng Medalya ng Kagalingan si Ulsano ng CIDG

November 4, 2021 Francis Naguit 468 views

PINARANGALAN ni PNP Chief Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar si PCol. Redentor C. Ulsano ng CIDG ng isang Medalya ng Kagalingan matapos na matagumpay na nahuli ang isang Most Wanted Person na nasa listahan ng national level.

Kinilala ang suspek na si Haji Dela Rosa Ocson a.k.a Gil, nakatira sa 414 Tengco St., Brgy 106, Pasay City.

Sa bisa ng warrant of arrest, naaresto ito noong April 19,2021, at nahaharap sa kasong rape criminal case 14773 at walang bail na inirekomenda at may reward na halagang P140.000,.

Si PCol. Redentor Ulsano ay dating Station Commander ng MPD Police Station 1 sa Tondo Manila. Siya ay nalipat sa Tarlac City, naging hepe din sa Mariveles Bataan,bago naging chief ng CIDG-DSOU.

Ginanap ang nasabing parangal sa National Headquarters PNP Camp BGen.Rafael T.Crame sa Quezon City noong October 25.2021

Ayon naman kay PNP Chief Eleazar, laging ipinapaalala nito na panatilihin ang kaayusan kalinisan at kapayapaan at laging ipatupad ang batas laban sa mga kriminal, umiwas sa mga maling gawain tulad ng pagkakadawit sa illegal na droga, kidnapping,pangongotong at pang aabuso sa mga mamamayan upang maging maayos at kagalang-galang sa ating mga kababayan. Ni FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE