Patay Dead On Spot ang isang tricycle driver na si Rolando Erom Alcantara matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa kahabaan ng Alvarez St. corner Rizal Ave, Sta Cruz Manila. Kuha ni JON-JON REYES

Triker patay sa pamamaril ng rider sa Sta. Cruz

November 4, 2021 Francis Naguit 256 views

DEAD ON SPOT dahil sa isang tama ng bala sa ulo ang tinamo ng isang tricycle driver habang nag-aabang ng pasahero sa kahabaan ng Rizal Avenue at Alvarez St.,Sta.Cruz, Manila Miyerkules ng hapon.

Nakilala ang biktimang si Rolando Erom, nasa hustong gulang at residente ng 1637 Alvarez St., sakop ng Brgy. 267, Zone 24 sa Tondo.

Samantala, lulan ng motorsiklo ang gunman na nakasuot ng kulay puti, grey jacket , naka long pants, slippers at naka helmet ng kulay pula at puti.

Batay sa ulat ni P/ Cpl. Neil Patrick Galiza na isinumite kay P/ Lt.Col.John Guiagui, Station Commander ng Manila Police District – Station 3, bandang 5 p.m. nang lapitan ng gunman si Erom sa panululan ng Abenida Rizal at Alvarez St., Sta.Cruz.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-aabang umano ng pasahero ang biktima may ilang metro lamang ang layo sa Alvarez PCP nang sumulpot ang gunman na sakay ng motorsiklo.

Agad na binaril sa ulo ang biktima na siya nitong ikinamatay. Agad namang tumakas ang suspek patungo sa Oroquieta St., Sta Cruz at naiwang nakahandusay at duguan ang biktima.

Dumating din sa crime scene si P/ Major Liz Ann Sugcang ng Scene of rhe Crime Operatives ( SOCO) para makakalap ng mga ebidensiya.

Ayon sa ulat ng imbestigador, may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot/ shabu ang sanhi ng pagbaril kay Erom. Patuloy na iniimbestigahan ng MPD – Homicide Section kung ano ang tunay na motibo ng pagpatay at inaalam pa kung sino ang dapat managot sa krimen. Francis Naguit & Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE