Default Thumbnail

Drug ops ng MPD sa Maynila matagumpay

April 2, 2023 Jonjon Reyes 282 views

MATAGUMPAY NA DRUG OPERATION NG MPD INILATAG SA MAGKAKAHIWALAY NA LUGAR SA LUNGSOD NG MAYNILA..

MATAGUMPAY ang halos magkasunod na oras na buy-bust operations ng Manila Police District (MPD) Station 2 at MPD Station 11 sa Binondo at Tondo, Manila, Linggo ng gabi.

Ang unang buy-bust ay isinagawa ng MPD- Moriones Police Station 2 bandang 9:30 p.m. sa Fermin TuberaStreet, Barangay 254 , Tondo, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Jorge Meneses lll, Moriones Police Station 2 commander, sa pangunguna ni Police Staff Sargent Jimmy Joy Fajardo at Police Corporal Kenneth Gaa, kapwa miyembro ng Station Drug Enforcement Team ( SDET) arestado ang dalawang target ng operasyon na sina JR Evangelista, 24, at Richard Tuesca, 25 .

Narekober sa mga suspek ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 10 gramo na nagkakahalaga ng P68,000.

Nagsagawa din ng buy-bust ang mga tauhan ni Police Lieutenant Rex Layug, MPD Binondo Meisic – Police Station 11 commander, bandang 10:10 p.m. sa Muelle Dela Industrial Street malapit sa Delpan St., Barangay 286, Zone 26 sa Binondo.

Nakilala ang suspek na si Marco Mendoza, 46, kaanib umano ng ng Sputnik Gang at residente ng Evangelista Street Quaipo.

Narekober sa suspek ang isang plastic sachet na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800. Ang tatlong hinihinalang tulak ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Selling of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165.

Nagpaabot ng pasasalamat at papuri si “The Game Changer General” Manila Police District Director Police Brig. General Andre P. Dizon sa mga kapulisan ng Maynila dahil sa patuloy na pag papairal ng Simultaneous Anti Criminality law Enforcement Operation at Oplan Galugad laban sa mga kriminal at nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot sa Lungsod ng Maynila.

AUTHOR PROFILE