Default Thumbnail

Rider nasalpok ng van sa Sampaloc, dedo

April 2, 2023 Jonjon Reyes 308 views

HINDI na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang 22-anyos na kawani ng gobyerno makaraang masalpok ng Toyota Hi- Ace Van ang sinasakyang motorsiklo habang binabagtas nito ang kahabaan ng M Dela Fuente at P Florentino Street , Sampaloc, Manila madaling araw ng linggo.

Idineklarang dead on arrival ng mga manggagamot ng Jose Reyes Memorial Medical Center dakong 2:43 ng a.m. ang biktimang si Nathan Rey Nulud, 22, residente ng 1857 Dapdap Street, Sta Cruz, Manila.

Nasa kustodiya na ng MTEU at makakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng Hi-ace van (VAA -4127) na nakilalang si Jess Selosa , 53, ng Mabuhay Roxas, Orriental Mindoro.

Base sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Investigation Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit ( MDTEU) bandang 2:15 a.m. nang maganap ang aksidente sa panulukan ng M.Dela Fuente at P Florentino Streets.

Habang binabagtas ng rider ang northbound ng M.Dela Fuente at patawid na ng P. Florentino St. ay biglang sumulpot umano ang van mula sa west bound ng P. Florentino patawid ng M. Dela Fuente. Nasalpok ng van ang motorsiklo at tumilapon ito ng ilang metro.

AUTHOR PROFILE