Road Rage

Driver sa Subic road rage iimbestigahan ng LTO

February 18, 2024 Jun I. Legaspi 189 views

INIUTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na imbestigahan ang isa pang kaso ng road rage sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Nagpasalamat si Mendoza sa netizen na nag-upload ng video at sa mga saksi na nagbigay ng conduction sticker ng Toyota Fortuner (Z7N788) kaya nakuha ang detalye ng road rage.

“I have already directed the Regional Director of LTO-Region III to look into this incident and immediately issue a Show Cause Order to the registered owner of this vehicle,” sabi ni Mendoza.

“Malinaw sa video na hindi katanggap-tanggap ang inasal ng driver kung saan matapos banggain tinakbuhan pa ang kanyang responsibilidad,” dagdag pa niya.

Senior citizen ang driver ng Fortuner, batay sa viral video at isa pang post sa Facebook.

Makikita sa video na pagkatapos banggain ang sasakyan, bumalik ang driver ng Fortuner at nag-maneuver malapit sa sasakyan na binangga bago ang sumunod na nabangga at tumakas na.

Hindi malinaw kung ano ang nangyari at ito ang sentro ng imbestigasyon. Iniutos din ni Mendoza na mailagay agad sa alarma ang Toyota Fortuner.

“With the information relayed by the witnesses, we will be able to immediately initiate actions against the registered owner and the driver of this vehicle,” sabi ng opisyal.

AUTHOR PROFILE