Chavit CHAVIT AND LEOPARD–Napapalibutan si former Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson (3rd from left) at ang kanyang leopard ng mga lider ng transport groups sa kanyang mansion sa Corinthian Gardens noong Lunes.

No downpayment e-jeep sagot ni Chavit

February 19, 2024 Christian D. Supnad 201 views

QUEZON CITY–Nangako si ex-Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson naipi-finance, gagawa at magpo-provide ng modern electric jeepney para sa mga transport groups na walang downpayment.

“Tulong ko lang ito sa mga jeepney drivers and operators. Walang guarantee, walang down payment,” sabi ni Singson.

Binitiwan niya ang pangako sa miting sa mga leaders ng transport groups gaya ng FEJODAP, na kinatawan ni Jefraem Gochangco at Deo Sotto, chairman; Liga ng Transportasyon ng Pilipinas national president Orlando Marquez, LTOP, VIV Express, Pasang Mason at iba pa.

Sinabi ni Singson sa transport groups na sasagutin niya ng buo ang kanilang e-jepneys at walang cash out pero magkakaroon na sila ng kani kanilang e-jeep.

“The best tong offer ni Gov Chavit dahil mura pa, maluwag at may kakayahan siyang magbayad sa aming e-jeep. Maganda ang ginagawa niya dahil kinokunsulta kami,” ani FEJODAP president Gochangco.

Lilipad si Chavit at DOTr Secretary Jaime Bautista sa iba’t-ibang regions para i-meet at i-inform ang mga transportation groups na magbibigay ang LCS Group ng financing para sa e-jeep para maging pag aari na nila.

“No down payment,” diin ni Singson.

Ang action ni Singson “will definitely modernize the obsolete transport jeepneys in the country that is also a headache of the national government,” anang isang transport lider.

Pinapurihan ng transport leaders si Chavit, close friend at political adviser ni President Bongbong Marcos, dahil sa kanyang inisiyatiba na tulungan ang mga drivers na magkaroon ng e-jeepneys.

Sa Mayo, magkakaroon na ng order ang transport groups at sa October, magkakaroon na ng massive production nito.

Aabot sa 23 ang seating capacity ng jeep ni Chavit pero may limang standing passengers para sa total capacity na 28. Tatakbo ng maximum speed na hanggang 80 kilometers per hour ang mga jeep. Apat na oras ang charging time nito para sa 670 kms na travel distance.