Default Thumbnail

Drive vs illegal drugs tagumpay

March 23, 2023 Paul M. Gutierrez 301 views

Paul

SUNOD-sunod ang matagumpay na ‘drug interdictions’ ng Bureau of Customs, sa pangunguna ng X-Ray Inspection Project (XIP) na pinamumunuan (ulit) nang maganda, malambing—pero “mataray” sa mga hindi niya kursunada—na si Atty. Lourdes ‘Dess’ Mangaoang.

Noong Martes, muling “umiskor” ang XIP-BOC matapos mahuli sa NAIA ang isang Turkish national habang tinatangkang “ilusot” ang higit tatlong kilo ng ‘cocaine’ na nakita sa dala niyang bagahe ng mga alertong XIP inspectors Terminal 3.

Akala siguro nitong si ‘Kemal Ozenir’ ay “maiisahan” niya ang XIP dahil “nakahalo” sa mga dala niyang mga sabon at lotions ang nasabing kontrabando.

Nakalimutan niyang “basta akala, mali!” kaya’t maghihimas siya ng rehas na bakal. Oops! ‘No bail’ ang kaso kaya maliban sa deportation pabalik ng Turkey, dito na sa ‘Pinas, sa loob ng karsel, posibleng abutan ng kamatayan ang suspek.

Ang insidente ay ang ikaapat na matagumpay na positibong pagkahuli ng BOC-XIP sa balak na pagpupuslit ng iligal na droga sa bansa.

Noong Lunes, halos 59 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng higit P400 milyon mula sa Guinea, West Africa, ang “natunugan” at nahuli rin ng BOC-XIP. Bago ito, noong Marso 10 at Marso 12, naharang din ang pagpasok ng higit 17 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng higit P120 milyon mula sa Pakistan at Madagascar, kaya kudos sa XIP! Kudos, Atty. Dess!

Aber, dapat siguro ay irekomenda mo na mabigyan ng medalya itong mga operatiba mo sa XIP dahil sa kanilang dedikado at matapat na pagtupad sa tunkulin? Pansamantala, puwede mo siguro silang i-blow out’ nang isang masarap na tanghalian o hapunan, hehe!

AUTHOR PROFILE