Iyadrew

Drew at Iya, laglagan sa podcast

September 21, 2022 Vinia Vivar 273 views

Aliw ang “laglagan” ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania sa kanilang latest podcast na Life With the Arellanos dahil ibinuking nila ang mga issue o problema nila sa isa’t isa.

In fairness, mga minor problem lang naman ang kanilang mga sinabi at kumbaga, normal na ikinaiirita ng mga mag-asawa sa isa’t isa.

Ang issue ni Iya sa asawa ay ang pagiging makalat nito sa bahay tulad ng hindi pagsasara ng cabinet door at kahit sabihan niya ay paulit-ulit namang ginagawa.

Aminado si Drew na hindi siya organized na tao pero ang weird daw, ‘pag mag-isa siyang nagta-travel ay malinis naman siya sa room.

Inamin din ni Iya na minsan ay naiinis siya ‘pag nagmo-motor si Drew nang ilang oras sa labas at siya ay nasa bahay at inaasikaso ang mga bata.

“There would be times na maiinis ako na parang ‘buti pa siya, ang dami niyang oras.’”

Sey naman ni Drew, “Guys, lumalabas na ‘to. I love it.”

Ang medyo hindi naman gusto ni Drew sa misis ay hirap ito na magsabi ng sorry.

“Kahit na even the smallesf of things, yeah. Parang here I am, always apologetic with whatever I do, because I always do stuff that I have to say sorry,” ani Drew.

Pero napag-usapan na raw naman nila ang bagay na ito at inaayos ni Iya ang ugaling ito.

Ang maganda sa mag-asawa ay ina-address nila at pinag-uusapan ang mga ayaw nila sa isa’t isa at tina-try nilang ayusin ang mga ito.

AUTHOR PROFILE