Isko

Isko, tinawag na ‘matulis ng pamilya’ si Joaquin

September 21, 2022 Jun Nardo 268 views

MATULIS ng pamilya” ang biro ni former Manila Mayor Isko Moreno sa anak niyang si Joaquin Domagoso nang mag-guest ang pamilya sa Family Feud last Tuesday.

Tatay na si Joaquin kaya Lolo na si Yorme.

Open secret na ang pagiging tatay ni Joaquin sa murang edad. Kasama rin sa Team Domagoso ang anak niyang babae na artistahin din ang dating.

Hindi nga lang pinalad manalo ng Domagoso team sa Ricketts fam nina Ronnie Ricketts at Mariz na nanalo sa Family Feud.

Artistahin din ang isang babaing anak nina Ronnie at Mariz na natikman na ang showbiz nu’ng kabataan niya sa isang movie ng ama.

BAGONG ORAS

SA bagong oras mapapanood ang GMA series na What We Could Be simula sa September 26.

Mapapanood ang joint venture na ito ng Quantum Films at GMA ng 9:30 p.m. pagkatapos ng airing ng Start-Up PH.

Nagsimula na rin kasi ang tunggalian ng mga bidang sina Miguel Tanfelix at Yasser Marta upang manalo sa puso ng lead actress na si Ysabel Ortega.

By October 3, mapapanood ang bagong historical series ng GMA na Maria Clara at Ibarra nina Dennis Trillo, Juilie Ann San Jose at Barbie Forteza.

Sa series na ito, lalabas naman bilang si Sisa si Andrea Torres.

AUTHOR PROFILE