Katunying

Rossel, proud sa bagong endorsement ni Ka Tunying

September 21, 2022 Ian F. Fariñas 252 views

PROUD wife at manager si Rossel Taberna sa bagong achievement ng mister na si Anthony “Ka Tunying” Taberna bilang kauna-unahang celebrity endorser ng Stronghold Insurance Company Inc.

Siyempre, ka-join si Rossel sa contract signing ni Ka Tunying na mapapanood sa YouTube channel at Facebook page nito.

Ang Stronghold Insurance ay itinuturing bilang isa sa leading insurers sa bansa. Ayon sa Insurance Commission, ito ay may third-highest paid-up capital sa 57 non-life insurance companies as of March this year.

Kaya naman hindi na nagdalawang isip pa si Ka Tunying na tanggapin ang endorsement.

“Anthony is their FIRST official celebrity endorser in the 62 years they’ve been operating,” pagmamalaki pa ni Rossel, “so this was quite a momentous event for all of us. It was also personal for us, since the pandemic really took a toll on our business and careers, affecting the entire family.”

Ang Stronghold team ay binubuo nina Romulo delos Reyes Jr., Atty. Emmanuel Dooc at Atty. Florentino Garces.

“Big or small, don’t forget to celebrate your wins,” payo ng maybahay ni Ka Tunying sa netizens.

AUTHOR PROFILE