dingdong and marianne

DongYan, waging Couple of the Night sa GMA gala

August 1, 2022 Ian F. Fariñas 525 views

WAGING Couple of the Night ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa katatapos na GMA thanksgiving gala na idinaos Sabado ng gabi sa Shangri-La The Fort.

Suot ang bonggaderang itim na haute couture gown mula sa Ralph and Russo (Marian) at white Armani suit (Dingdong), pagrampa pa lang sa red carpet ay pinagpistahan na ang pagdating ng

Kapuso royalties sa event na may theme na black-and-white, old Hollywood glam.

Patalbugan nga ang bigating GMA stars sa kani-kanilang gown at suit sa okasyon na nagsisilbi ring selebrasyon ng 72nd year ng GMA-7 at fundraising para sa GMA Kapuso Foundation.

Ang iba pang celebrities na dumalo ay kinabibilangan nina Alden Richards Xian Lim, Billy Crawford, John Lloyd Cruz, atbp.

AUTHOR PROFILE