Yansquid

Dongyan, hooked sa ‘Squid Game’

October 18, 2021 Ian F. Fariñas 268 views

KAALIW ang pambubuking na ginawa ni Dingdong Dantes sa misis na si Marian Rivera na hooked din pala sa pinag-uusapang Korean series na Squid Game na numero uno sa Netflix.

Nag-post si Dingdong ng litrato ni Marian sa IG na may dalawang wine glasses at nilagyan ng caption na: “Debriefing after Squid Game’s episode 6. Ambigat! What a series! Guessing game na rin on what could happen next.”

Ilang beses nang sinabi ni Marian sa interviews na mahilig nga siya sa K-drama at katunayan, crush niya ang oppa na si Hyun Bin.

Kaya naman hindi kataka-taka na hooked din siya sa Korean series na Squid Game. Ang kaibahan lang, hatak na niya ang asawang si Dingdong.

AUTHOR PROFILE