Maine

Maine, babalik na sa ‘Eat Bulaga’

October 18, 2021 People's Tonight 722 views

HUWAG mag-alala ang fans ni Maine Mendoza dahil babalik na siya sa Eat Bulaga sa October 28 episode.

Eh, sa Eat Bulaga pala, kapag natapos na sa isang lock-in ang EB Dabarkads na kasama sa episode, pinagpapahinga muna ang mga ito.

Hindi sila agad isinasalang sa susunod na episodes.

Naku, bukod sa Bulaga, mayroon pang tatlong shows ni Meng — ang Daddy’s Gurl, #MaineGoals at PopPinoy.

Mula Lunes hanggang Miyerkules ang schedule niya sa tatlong shows na ito.

Take note na bukod sa apat na shows, mayroon pang ginagawang endorsements ang Phenomenal Star kaya kailangan din niyang magpahinga, huh!

So, sa fans ni Maine, abangers na sa pagbabalik niya sa Bulaga sa October 28.

SUPER TEKLA, HINANGAAN SA ISYU NG ‘SHOPLIFTING’

HINANGAAN ang komedyanteng si Super Tekla dahil pinatawad na niya ang isang staff ng convenience store na pinagbintangan siyang shoplifter.

Inibahagi ni Tekla sa interview sa 24 Oras Weekend edition kung paano siya hinarang ng isang staff dahil umano may kinuha siya.

Mabuti na lang at nakilala siya ng isa ring staff ng store kaya pinalabas na rin siya.

Sa halip na magalit, ginawa na lang katatawanan ni Tekla ang nangyari sa kanya.

“Huwag maging judgmental,” saad ni Tekla sa interview. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE