Dominic

Dominic dehado sa isyu kay Bea

February 21, 2024 Jun Nardo 103 views

ANG naging tanging kasalanan lang ni Dominic Roque ay lesser star siya kumpara kay Bea Alonzo. Kaya naman sa mga naglalabasang issue, dehadung-dehado ang dating niya na para bang walang kakampi, huh!

Kaya naman idinaan ni Dominic sa kanyang lawyers na Fernandez and Singson Law Offices ang sagot sa recent issues sa kanya.

Kinondena ng lawyers ang mga pahayag ng beteranang komunista na si Cristy Fermin sa kanyang YouTube channel.

Naglabas ng statement si Dom through his lawyers upang itanggi ang mga pahayag ni Fermin. Nadawit pa sina Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos at former QC Congressman Bong Suntay.

Humingi ng apology si Dom sa dalawang taong inuugnay sa kanya.

Itinanggi rin sa statement na pag-aari ni Dom ang Clean Fuel gas station dahil brand ambassador umano lamang siya.

Si Bullet ang may-ari ng condo na tinitirhan ni Dom pero ayon sa mayor, matagal na silang magkaibigan ng aktor. Hilig sa pagmomotorsiklo ang pinagmulan ng friendship nila ni Dom.

Humingi rin ng apology si Dom kay former Cong. Suntay lalo na’t may pahaging sa sexual preference nito.

Saad pa ni Dom, hindi sila nag-away ni Bea dahil sa prenuptial agreement.

Isa pa marahil sa mga naging kasalanan ni Dom ay mayaman na, sikat pa ang dapat sana’y pakakasalan niya. Eh, ‘pag mayaman at sikat, marami ang mga tsutsuwariwap sa paligid, huh!

AUTHOR PROFILE