Default Thumbnail

Dizon for DOTR secretary fake news

May 18, 2022 Erwin Tulfo 640 views

TulfoUSAP-USAPAN ngayon sa social media na si dating Bases Conversion Development Authority (BCDA) Administrator at Covid Reponse Secretary Vince Dizon ang napipisil na susunod daw na magiging kalihim ng Department of Transportation (DOTR).

Ayon pa sa kumakalat na balita, nirerekomenda raw ng negosyanteng si Enrique Razon si Dizon kay Presumptive President Bongbong Marcos bilang kapalit ng outgoing na DOTR Secretary na si Art Tugade.

Ang hindi alam ng karamihan maraming bitbit na bagahe o isyu si Sec. Dizon kaya medyo mahihirapan itong makapasok sa administrasyon ni BBM kahit pa sabihin na natin na malakas pa ang backer nito.

October 26, 2020 nang magsampa ng reklamong graft and malversation sa Office of the Ombudsman ang grupong Citizens Crime Watch Association laban sa ilang opisyal, kabilang na si Dizon na noo’y BCDA Administrator, hinggil sa hindi pagdaan sa bidding ng P11 billion na New Clark Sports Hub sa Capas, Tarlac.

May lumalabas din na kuwento na hindi umano nabayaran ang ilang contractor na nag-supply ng mga pagkain sa mga na-quarantine sa Philippine Arena sa Bulacan. Si Dizon ang sinasabing kumausap daw sa mga kontratistang ito bilang Covid Response Secretary.

Totoo man o hindi ang mga isyung ito, tingin ng ilan tila mahihirapan pa rin ang padrino ni Dizon na ilakad ito para makapwesto siya sa BBM government dahil sumama ito sa campaign team ni Mayor Isko Moreno nitong nakaraang halalan.

Ayon sa aking impormante sa loob ng BBM camp, mapapahiya lang ang padrino ni Sec. Dizon kapag ipakiusap ito para mapwesto sa BBM cabinet dahil tiyak daw na hindi ito pagbibigyan ni incoming President Marcos.

BBM-SARA TEAM HANDA NG MAKIPAG-USAP SA MGA NAGING KALABAN

Handa na raw si Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Presumptive Vice-President Sara “Inday” Duterte na makipag-usap at makipag-kasundo na sa kanilang mga naging katunggali nitong nagdaang halalan.

Ayon sa aking source, inaantay lang nina BBM at Sara ang mga naging kalaban nila nitong eleksyon na iabot ang kanilang mga kamay para makipagkasundo sa papasok na gobyerno habang handa naman daw ang dalawa na makinig sa kung ano ang maitutulong ng mga kandidato na hindi pinalad nitong halalan.

Dagdag pa ng aking impormante, kahit noong eleksyon pa “pakikipagkasundo” at “pagkakaisa” na ang tono nina BBM at Sara para tungo sa pag-unlad ng ating bayan na nalugmok dahil sa pandemya at iba pang mga suliranin.

Willing daw si BBM na kausapin ang mga katunggali niya nitong May 9 para marinig ang kanilang mga opinyon o “inputs” hinggil sa ikabubuti at mabilis na pag-usad ng ating bayan.

Pahabol pa ng aking impormante sa loob ng Uniteam, excited na si BBM at Sara na ipakita at ipadama sa mga boto at hindi bumoto sa kanila ang kanilang kakayahan at tuparin ang kanilang pangako sa sambayan.

AUTHOR PROFILE