Paco Si Paco PCP commander P/Maj. Roderick Dismaya habang iniinspeksyon ang isinasagawang clearing operation sa paglilinis ng mga gutter at kalye sa Paco Market. Kuha ni Jon-jon Reyes

Dismaya prayoridad kalinisan, kaayusan ng Paco Market

February 8, 2023 Jonjon Reyes 414 views

HALOS isang linggo pa lamang matapos maitalaga si Police Major Roderick Dismaya bilang commander ng Manila Police District (MPD) Station 5, Paco Police Community Precinct (PCP) ay agad nagsagawa ito ng mga inisyal na pagsasaayos lugar na nasa kanyang responsibilidad sa Pedro Gil at Angel Linao Streets, Paco, Maynila.

Nitong Martes, Pebrero 7 ay naglatag ng “Oplan Sita” o checkpoints ang Paco PCP sa direktiba ni Dismaya sa kahabaan ng Romualdez St., corner Apacible sa Paco.

Ito ay pagsunod sa “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation” (SACLEO) at “Oplan Galugad” na pinaigting ng MPD director na si P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon.

Ang nasabing checkpoint ay para mahuli ang mga motoristang walang mga kaukulang papeles gaya ng OR/CR, lisensiya, at hindi paggamit ng helmet ng mga rider maging ang kanilang back ride.

Kasama rin sa pinatupad ni Dismaya ang paglilinis at clearing operation sa loob at labas ng kilalang Paco Market kasama ang mga kapulisan at kagawad ng Department of Public Services (DPS) ng Manila City Hall at batay sa utos ni P/Lt. Col. Leandro Gutierrez, commander ng MPD Stn. 5 Ermita, Maynila.

“Hindi lang tayo nakatutok sa mga krimen kundi pati na rin sa paglilinis sa ating nasasakupang lugar sa Paco PCP; magsasagawa rin tayo ng patrolling operation sa mga kalye at kahabaan ng Angel Linao, Pedro Gil at maging ang Taft Avenue at Padre Faura… upang masiguro natin ang kaligtasan ng mga mamamayan laban sa mga masasamang loob,” ani ni Dismaya.

AUTHOR PROFILE