Ruru

Direktor, nabuwisit sa award-winning actor

October 28, 2022 Jun Nardo 1365 views

NAPIKON ang isang award-winning director nang kunin niya sa ginagawang series ang isang aktor na magaling umarte at may awards na.

Pero nadismaya ang director nang paartehin na niya ang aktor. Hindi mai-deliver ng aktor ang gustong acting ng director, huh!

Nabuwisit ang director, eh, wala siyang choice dahil rekomendado ng superior niya ang aktor na isama sa series.

Pinaulit-ulit na lang niya ang eksena sa aktor upang ma-capture ang acting na nais makita ng direktor sa TV.

HALLOWEEN SPECIAL

BIBIDA ang GMA Action Drama Prince na si Ruru Madrid sa isa sa stories na tampok sa 10th year ng Gabi ng Lagim special ng Kapuso Mo Jessica Soho Halloween Special.

Tampok si Ruru sa kuwento bilang isa sa lalaking binibiktima ng tiyanak sa Saranggani.

Kikilabutan naman ang karamihan sa isang pasyalan sa Mindanao nang mapiktyuran ang elementong sumasampa sa balikat ng turista sa bersiyon natin ng Pinoy Shutter.

Isang multo naman ang caught on cam na diumano sa loob ng adutorium sa isang eskuwelahan sa Visayas nang maki-extra ito para sa isang proyekto.

At kasalukuyang gumagambala sa Unit 771 sa isang tenement sa Taguig na na-record na umiiyak. Makalipas ang dalawang dekada, papasukin ng paranormal researcher na si Ed Caluag ang kinatatakutang kuwarto.

Bukod sa nakakagimbal na kuwento, mamimigay din ang KMJS ng P10K sa 10 lucky viewers.

Ngayong Sunday mapapanood ang Gabi ng Lagim X, 8:50 p.m., sa GMA.

AUTHOR PROFILE