Ruffa

Ruffa, suportado ni Bistek sa bagong negosyo

October 28, 2022 Vinia Vivar 417 views

Kinumpirma ni Ruffa Gutierrez na kasado na ang part 2 ng box-office hit movie nila nina Cesar Montano, Ella Cruz, Diego Loyzaga at Cristine Reyes na Maid in Malacañang.

Matatandaang ipinalabas sa mga sinehan ang nasabing kontrobersyal na pelikula noong Agosto kung saan ay ginampanan nga ni Ruffa ang papel ni former First Lady Imelda Marcos.

Nakatsikahan namin si Ruffa sa grand launch ng kanyang bagong business na Gutz & Glow sa Hilton Hotel Manila, Newport World Resort at naikwento nga niyang gagawin na nila ang part 2 ng MIM.

“Magsu-shooting na kami ng Maid in Malacañang part 2, sa November,” pagbabalita niya.

“Binigay na sa akin ang schedule, pero wala pang nakalagay na title. Basta sinabi lang sa akin if I’m free starting mid-November. So, siyempre sabi ko, go!” sey niya

Ayaw na niyang magbigay pa ng detalye dahil wala pa rin naman siyang alam. Basta’t magsu-shoot daw sila from November to December.

After that, pupunta siya sa meet and greet sa Hawaii.

Happy si Ruffa dahil bukod sa maganda pa nga rin ang takbo ng kanyang career ay bongga rin ang feedback sa kanyang mga produkto sa Gutz & Glow na Butt and Body Scrub, Disinfectant Hand Soap, Feminine Lightening Spray Mist, Luminous Hand Cream, Lustrous Hand Sanitizer, Blazing Hand Sanitizer, Makeup Remover Wipes at Intimate Feminine Wipes.

Ayon kay Ruffa, pati ang friends niya ay nagustuhan ang mga nasabing product.

“They love it kasi aside from the fact na talagang mabango siya, it’s really effective. So, nakikita nila ang difference ng before and after,” aniya.

At siyempre, suportado rin ng rumored boyfriend niyang si Herbert “Bistek” Bautista ang kanyang bagong business venture.

“He’s very supportive and excited siya. Ang maganda naman kasi kay Herbert, he’s very mature and he supports my dreams and goals. Hindi siya nakikialam sa mga gusto kong gawin sa buhay,” saad ni Ruffa.

Nang tanungin kung ano ba talaga ang real status nila, nilinaw ng aktres ang tsikang lumabas na hindi na sila nagpapansinan dahil natalo si Bistek nitong nakaraang eleksyon.

“I think that’s wrong because they really don’t know what happens behind closed doors and tuluy-tuloy ang communication. But I believe kasi that a private life is a happy life. What you see is what you get,” aniya.

AUTHOR PROFILE