Hipon

GMA bosses ipinatigil ang taping ni Herlene

October 29, 2022 Aster Amoyo 492 views

ANG 23-year-old Kapuso actress at beauty queen na si Herlene Budol ang napisil para kumatawan sa Pilipinas sa Miss Planet International pageant na gaganapin sa Kampala, Uganda sa darating na November 19, 2022.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit pansamantalang natigil ang taping ng kanyang first lead TV series sa GMA na “Magandang Dilag” kung saan niya mga kabituin sina Benjamin Alvez, ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong, Maxine Medina, Chanda Romero, Rob Gomez at Adrian Alandy. Ang serye ay may kinalaman sa world of fashion.

Nakapagsimula na umano ang taping ng nasabing serye pero ito’y natigil dahil hindi umano nagustuhan ng Kapuso bosses ang prosthetics na ginamit kay Herlene. Magre-resume na ang taping ng “Magandang Dilag” pagbalik ni Herlene mula sa Uganda.

Malayo na talaga ang narating ng tinaguriang “Hipon Girl” na na-discover sa “Willie of Fortune” ng “Wowowin” game show hosted and produced by Willie Revillame.

Hindi man inabutan ng kanyang lola na si Nanay Bering na sumakabilang-buhay nung nakaraang June 6, 2022 habang busy siya sa paghahanda sa Bb. Pilipinas pageant ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon, naniniwala si Herlene na patuloy siyang sinusubaybayan at ginagabayan ng kanyang lola na siyang nagpalaki sa kanya along with her grandfather na si Tatay Oreng.

Nang mawala si Herlene sa “Wowowin,” sinalo siya ng Kapuso Network kaya tuluy-tuloy ang kanyang trabaho.

Ang GMA ang unang nagbigay sa kanya ng acting break nung November 30, 2019 nang maging bahagi siya ng “Yaya Dubai & I” ng long-running drama anthology na “Magpakailanman” na nag-trending. Naulit ang kanyang guesting sa nasabing programa nang isadula ang kanyang buhay nung 2021, ang “Magpakailanman: A Girl Named Hipon”.

Naging bahagi rin si Herlene sa TV series na “Madrasta” at “One of the Baes” and “False Positive.

For the third time ay muli siyang gumanap sa isang episode ng “Magpakailanman: Fiancee o Financier”.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Herlene sa magagandang blessings sa kanyang buhay.

Donbelle

DonBelle: ‘What you see is what you get’

WALANG alinlangan na ang tambalang DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang pinakabago at pinakamainit na loveteam na nabuo sa gitna ng pandemic.

Ang pair ay unang pinagtambal sa pelikulang “Walwal” ng Regal Films na pinamahalaan ng writer-director na si Joey Javier Reyes pero ang tambalan ng dalawa ay nag-take off nang pagsamahin silang dalawa sa iWant TFC series na “He’s Into Her” na dinirek ni Chad Vidanes based on the 2013 Wattpad novel na sinulat ni Maxine Lat. Ang nasabing serye became one of the most watched series on streaming platform na sinundan ng season 2 nito.

Ito’y nasundan ng kanilang ktx.PH hit streaming movie na “Love Is Color Blind” na lalong nagpatatag ng tambalan ng dalawa. This prompted Star Cinema na sundan ito ng kanilang kauna-unahang theatrical release for this year after the pandemic to coincide on the company’s 30th anniversary offering, ang “An Incovenient Love” na dinirek ni Petersen Vargas at maipapalabas sa mga sinehan simula sa darating na November 23, 2022.

Belle started out as a child star sa now-defunct kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” hanggang unti-unti siyang nag-grow bilang singer-actress and now a star.

The 20-year-old star joined Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN in 2012 at bahagi rin siya ng Rise Artists Studio ng ABS-CBN since 2020.

Nagsimulang pumaimbulog ang kasikatan ni Belle when she was eventually paired with the 24-year-old Donny.

Kung ang kanilang mga fans ang tatanungin, alam nila may special relationship na ang dalawa na mukhang hindi naman nila itinatago na parating magka-holding hands kapag magkasama at kakaiba ang sweetness na nakikita sa kanila.

“What you see is what you get,” simpleng pahayag ni Belle sa grand presscon ng movie nila ni Donny, ang “An Unconvenient Love” na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN last Friday afternoon.

Watch, SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ” with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE