Kathniel

Direktor may pangako sa comeback serye nina Kathryn at Daniel

October 10, 2021 Ian F. Fariñas 464 views

Nangako si Direk Mae Cruz Alviar na magbibigay saya at inspirasyon ang reunion project nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na 2 Good 2 Be True.

“We will do our best to offer a project that will give people a breather from what they are going through right now. This is our mission. This is our vision. And this is what we will aim to do,” sabi ni Direk Mae.

Bukod sa comeback serye ng KathNiel ang 2G2BT, ito rin ang pagsasanib-pwersa muli nina Direk Mae at KathNiel matapos magsama sa blockbuster films na Crazy Beautiful You at Can’t Help Falling In Love.

Ngayong buwan nakatakdang magsimula ang taping ng 2G2BT na ipro-produce ng RGE Unit ng ABS-CBN Entertainment, ang grupo na naghatid ng mga dekalibreng serye tulad ng Bagong Umaga, Ipaglaban Mo, Nang Ngumiti Ang Langit at Pamilya Ko.

Abangan ang bagong seryeng pupukaw sa atensyon ng mga manonood malapit na sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC at TFC.

AUTHOR PROFILE