Tomcarla

Carla, dalawang beses naudlot ang pagbili ng dream wedding gown

October 10, 2021 Vinia Vivar 541 views

Hindi pala naging madali para kay Carla Abellana na mabili ang kanyang dream wedding dress para sa kasal nila ni Tom Rodriguez.

Sa kanyang latest YouTube vlog ay ipinakita ng Kapuso actress ang naging journey niya sa pagbili ng wedding gown na talagang byinahe pa niya sa Amerika.

Sa simula pa lang ng vlog ay napaiyak na si Carla habang ikinukuwento ang kasiyahan nang finally ay payagan na siya ng GMA-7 na lumipad sa US.

Kwento niya, tatlong beses siyang nagpaalam sa management bago siya pinayagan na umalis for New York para bilhin ang kanyang wedding gown.

“It’s a miracle because I think that was already my third attempt to ask for permission and consideration or reconsideration to fly. But yeah, the first two times, talagang na-reject ‘yung aking leave, ‘yung aking pagpapaalam.

“So, it’s really a miracle. I consider it a miracle because nagkaroon ng hindi lang change of heart but change of mind,” teary-eyed na kwento ni Carla sa video na kinunan niya last March.

Para raw siyang nabunutan ng tinik nang matanggap ang mensahe na pinapayagan na siyang umalis.

“I’m so happy because it’s true when they say na parang nabunutan ng tinik ‘yung dibdib mo, ganu’n. Gumaan na ‘yung pakiramdam. Nawala na lahat ng stress, lahat noong iniyak ko, na pinadasal ko. Sulit talaga. Super thank you. Alam ko parang mababaw, but it’s really my dream, so yes, finally tuloy na siya.

“I thank GMA for allowing me, finally allowing me to fly. They may not know how important this is for me but thank you to GMA. I love it. I love it so much. I’m so happy,” emosyonal na sabi ni Carla.

Kasama ang ina ay lumipad na nga ang aktres patungong US. Nag-quarantine muna sila ng tatlong araw at pagkatapos ay namalagi ng two days sa New York.

Nakatakdang ikasal sina Tom and Carla sa Oct. 23 sa Tagaytay.

AUTHOR PROFILE