Ciara may mensahe sa labanang Tito-Kiko

October 11, 2021 Aster Amoyo 612 views

KikoTIYAK na maiipit na naman ang Megastar na si Sharon Cuneta sa isang kumplikadong sitwasyon dahil magkalaban sa parehong posisyon ang kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan at ang kanyang uncle na si Sen. President Tito Sotto na parehong kandidato sa pagka-Vice-President ng bansa sa 2022 national and local elections.

Parehong mahal at malapit sa puso ni Shawie ang kanyang mister maging ang kanyang Tito Sen na tumatayo niyang second father. Si Tito Sen ay mister ng kanyang Mama Helen (Gamboa-Sotto), her aunt and second mom.

Although parehong matimbang kay Shawie sina Kiko at Tito Sen, sa pagkakataong ito, wala siyang choice kundi ang piliin ang kanyang husband na si Sen. Kiko in terms of support sa darating na halalan pero hindi naman umano ito nangangahulugan na mawawala na ang kanyang pagmamahal at respeto kay Tito Sen.

Si Sen. Kiko ang ka-tandem ni VP Leni Robredo na siya namang tatakbo sa pagka-Pangulo habang si Tito Sen ang kasama ni Sen. Ping Lacson na tatakbo naman sa pagka-Presidente.

Isang araw lamang ang halalan pero hindi siyempre hahayaan ni Shawie na masira ang kanyang relasyon sa mag-asawang Tito Sen at Helen na itinuturing niyang second parents lalupa’t pareho nang namayapa ang kanyang parents na sina dating Pasay City Pablo Cuneta at ang nakatatandang kapatid ni Helen Gamboa-Sotto na si Elaine Gamboa-Cuneta.

Samantala, naglabas naman ng kanyang saloobin ang first cousin ni Shawie at bunsong anak ng mag-asawang Tito Sen at Helen na si Ciara Sotto.

“I have always been quiet, ignoring negative, mean and slanderous comments about my Dad made by judgmental people, whether I know them personally or not, as if they know everything and us very well,” simula ng mensahe ni Ciara.

“I prayed if I should voice out my true emotions when asked about Kuya Kiko running against Dad for VP… I cried because I am so hurt and disappointed. It made me feel that my parents were of no value after all. Ate has always been considered and treated like a daughter by my Dad and especially my Mom.

“I will continue to pray for them, and of course, for my Dad and his protection, wisdom, discernment, and I Praise and Thank God for giving me him as may earthly father,” pagtatapos ng mensahe ni Ciara.

As of this writing ay nasa Amerika pa rin si Shawie. Tiyak na sasagutin din nito ang mensahe ng kanyang pinsan na si Ciara.

sherylynSherilyn naloko sa negosyo

HINDI ikinakaila ng Kapuso actress at entrepreneur na si Sherilyn Reyes, ina ng young singer-songwriter, actor at dancer na si Ryle Santiago na meron itong pinagdadaanan ngayon. May kinalaman ito sa pagkaka-swindle sa kanya ng milyones sa kanyang dating business ng mga branded bags. Ang masaklap, hindi ito unang beses nangyari sa actress dahil sa ikalawang pagkakataon ay mas malaking halaga ang nawala sa kabuhayan nila ng pamilya.

Ayon kay Sherilyn, nasa DOJ na umano ang isinampa niyang kaso at hinihintay na lamang ang magiging desisyon nito. Wala raw talagang intention na bayaran siya ng nambiktima sa kanya at sa kanyang negosyo na hanggang ngayon ay patuloy niyang pinagsusumikapang ayusin sa kanyang iba’t ibang suppliers.

Ang ikinatutuwa naman ni Sherilyn ay hindi umano bumitaw ng suporta sa kanya ang kanyang mister, ang dating basketball player na si Chris Tan maging ang kanyang tatlong anak.

“Sobrang naapektuhan nang husto ang aming kabuhayan at pang-araw-araw na pangangailangan ng aking pamilya dahil sa nangyari. Milyones ang nawala at may properties at kagamitan kaming na-dispose dahil kailangan kong mabayaran ang suppliers ko,” umiiyak na kuwento ng aktres.

“Nagkaroon ako ng sleepless nights at anxiety attacks dahil sa nangyari at apektado na rin ang health ko. There was even a time na hinimatay ako kaya sobrang worried ang husband ko at mga anak ko,” dugtong pa ni Sherilyn.

“Buong kabuhayan ng pamilya ko ang nawala,’ aniya.

“I’m glad na buhay pa rin ako hanggang ngayon sa kabila ng mga pinagdaanan ko,” aniya.

Nakarating kay Sharon Cuneta na may pinagdadaanan si Sherilyn kaya pinadalhan niya ito ng mga libro na alam niyang kahit papa`no ay makakatulong sa kanya.

Isa sa mga libro na binasa ni Sherilyn ay may mga Bible verses na talagang ninamnam niyang basahin at unawain. The book helped her a lot na maging matapang na harapin ang kanyang mga problema.

Inamin ni Sherilyn na never umano nawala ang kanyang strong faith sa Diyos na patuloy niyang kinakapitan at ng kanyang pamilya kaya hanggang ngayon ay buo pa rin sila at lalong naging mas malapit sa isa’t isa.

“Kahit kelan ay hindi ako nakarinig ng panunumbat galing sa asawa ko. Instead, siya pa ang gumagawa ng paraan na matulungan ako sa problema ko. Hindi rin niya ako iniwan,” umiiyak na pahayag ng aktres.

Thankful din ang aktres sa kanyang panganay na anak (sa kanyang ex-husband na si Reily `Jun-Jun’ Santiago) na si Ryle dahil malaki rin ang naitulong nito at patuloy pang tumutulong.

ryleRyle ayaw na sa showbiz girlfriend

NON-showbiz ang bagong girlfriend ngayon ng singer-songwriter, actor at dancer na si Ryle Santiago na ang huling naging kasintahan ay ang Kapamilya young star na si Kira Balinger. Na-link din ang pamangkin nina Randy, Rowell at Raymart Santiago sa dating all-female dance group na Girltrends na si Sammie Rimando pero hindi ito tumagal. Since non-showbiz ang girlfriend niya ngayon ay gusto niyang mapanatili ang privacy ng kanilang relasyon.

Ayon sa dating #Hashtags member, free lancer umano siya ngayon. Bukod sa kanyang work ay may itinatag itong sariling business kung saan niya kasama ang kanyang younger brother na si Lawrence.

Inamin naman sa amin ng young actor na never umano siyang itinuring ng kanyang stepdad na si Chris Tan na isang step son but his eldest son at dad ang kanyang tawag sa kanyang stepdad na hindi rin umano niyang kinu-consider na stepfather .

Halos tatlong taong gulang pa lamang noon si Ryle nang magkahiwalay ang kanyang parents na sina Sherilyn Reyes at isa sa mga business unit heads ng ABS-CBN na si Reily `Jun-Jun’ Santiago.

His mom has since remarried former basketball player Chris Tan.

“I never felt I was incomplete dahil hiwalay ang parents ko. My dad (Chris) was there for me nang magsimula akong magkaisip hanggang sa aking paglaki,” pag-amin ni Ryle.

Kumusta naman sila ng kanyang biological father na si Jun-Jun Santiago.

“I reached out to him. Nag-usap kami pero hanggang du’n lang `yun. Bihira pa rin kaming magkita at mag-usap. But he sent me a birthday cake on my recent birthday (Oct. 1),” pagbabahagi ng young singer-actor-dancer.

AUTHOR PROFILE