Direk Joel at Direk Darryl, tuloy ang bakbakan sa takilya
WALANG urungan ang bakbakan sa takilya nina directors Joel Lamangan at Darryl Yap sa March 1.
Nabago ang playdate ng movies nila pero tuloy pa rin ang tunggalian nila sa takilya.
Sabay sa March 1 ilalabas sa mga sinehan ang movie ni Joel na Oras De Peligro habang ang MoM (Martyr or Murderer) ang kay Darryl.
Magkaiba ang tema pero magkaiba ang political beliefs ng dalawa. Isang anti-Marcos at isang pro-Marcos.
Teka, ano na ang nangyari sa movie ni Vince Tañada na anti-Marcos din?
Naku, labu-labo na nga kayo sa takilya!
‘MiM’ at ‘Greed,’ buwena-manong handog ng Viva Prime
MURANG-MURA ang subscription sa Viva Prime, ang bagong lunsad na streaming app ng Viva bukod sa Vivamax.
Ngayong January 29 ang simula nito at P49 lang ang ibabayad ng mga gustong mag-subscribe.
Pero kapag ayaw ng may ads na lumalabas, P99 naman ang halaga ng subscription.
Ang unang offering ng Viva Prime ay ang box-office hit na Maid In Malacañang.
Kasunod nito ang pelikulang Greed ni Nadine Lustre.
Eh, ayon kay Val del Rosario, isa sa mga nasa likod ng Viva Prime, mapapanood dito ang latest Viva movies na napanood sa sinehan after 100 days.
But of course, hindi lang Viva films ang kaabangan-abang sa platform kundi pati concerts, TV series at foreign films and series na pasado sa panlasa ng publiko.
SABAYANG BIRTHDAY
HAPPY, happy birthday today, January 21, to our dear editor, Ian Fariñas, na kasabay ang birthday ng apo kong si Francis Joshua Nardo Punzalan at ang dear father namin in heaven na si Francisco, Sr. (Thank you, JN! — IFF)