Ria

Ria, excited sa kasalang Arjo-Maine

January 20, 2023 Vinia Vivar 239 views

Excited na si Ria Atayde sa nalalapit na kasal ng kuya niyang si Arjo Atayde sa fiancee nitong si Maine Mendoza.

“Of course, definitely! I’m gonna have a sister-in-law!” masaya niyang wika nang makatsikahan namin sa media launch niya as the newest calendar girl of White Castle Whisky.

Sa ngayon ay hindi pa ina-announce nina Arjo at Maine ang date at detalye ng kasal.

Ayon kay Ria ay ayaw niya pangunahan ang engaged couple.

“Hindi po ako nakikigulo sa mga plano,” natatawa niyang sabi. “Napag-uusapan naman po, pero again, it’s their story to tell. I don’t want to be the one that breaks the news about the information on their wedding. That’s something I’ve always been very respectful.”

Nagkabiruan nga na kung ikakasal this year sina Arjo and Maine, ibig sabihin ay hindi pa sila pwedeng pakasal ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo dahil sukob sila sa taon.

Naniniwala naman daw sila sa “sukob” at wala naman daw silang balak pa talaga sa ngayon.

“Wait lang, ang dami pang work,” natatawa niyang sabi.

AUTHOR PROFILE