Bobet

Direk Bobet sa ‘Showtime’ hosts: Someday they will understand

October 13, 2021 Ian F. Fariñas 60 views

MAG-IISANG taon nang wala sa ABS-CBN at It’s Showtime ang dating direktor nito na si Bobet Vidanes, pero palaisipan pa rin sa kanya kung bakit hindi raw tinupad ng Kapamilya management ang napag-usapan na ito na ang magpapaliwanag sa hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, atbp. ng rason ng kanyang pag-alis.

Sa set visit para sa first anniversary ng Brightlight Productions noontime show na Lunch Out Loud sa TV5, kung saan si Direk Bobet ang creative producer, sinabi niya na sinadya niyang hindi magsabi sa hosts dahil ayaw niyang maimpluwensiyahan ang mga ito’t baka may sumama pa sa pag-alis niya.

Wala umano siyang tampo o galit sa mga ito. Katunayan, mahal daw niya ang It’s Showtime hosts.

Paliwanag ni Direk Bobet, “Hindi po, ano ‘yan… hindi sa wala akong nararamdaman. Nami-miss ko ’yung mga batang ‘yan. Sobrang mahal ko ang mga ‘yan. Ang mga host. Of course, mga host. Kasi, ’yung mga staff, until now, nag-uusap kami, eh.

“It so happened, na itong mga host, hindi kami masyadong nag-uusap. Wala po. Ganito po ’yun. Ako po ay patawarin ninyo sa aking mga host, kasi po, sinarado ko po ’yung communication ko sa kanila. Kasi, I think, all of them… a very few, ito ’yung mga tao na… very few, I think, si Jhong Hilario is still open. But the rest, na nagwo-work, sinarado ko muna. Kasi, ang sinasabi nila is… magkatapat kami ng programa, eh. And then, para lang walang conflict of interest, something. Sinarado ko muna ang aking communication sa kanila. Pansamantala. Para po… gumaan. At ’yung sugat ay maghilom muna. Healing. Pero hindi ko naman po sinasabi na… kinalimutan ko na sila. Pahinga lang muna. Maybe para rin sa kanila.”

Malalim nga ba ang sugat ng idinulot ng pag-alis niya?

Sagot ng direktor, “Hindi naman po ganu’n kalalim. It’s just… ah, healing. It’s a way of healing.”

Inamin niya na bago siya nanahimik, meron namang ilan na nag-reach out sa kanya.

“Meron po, I’m sure. Bago po kasi ako magsarado, nag-text na sila sa akin. Kaya lang, hindi ko na po sinagot. Kasi, hahaba po ’yung diskusyon. Someday, they will understand.”

Nauna rito ay nilinaw na ni Direk Bobet ang tunay na rason ng kanyang pagre-resign sa ABS-CBN at It’s Showtime Nobyembre nu’ng nakaraang taon.

“Marami po akong information na… na nagugulat. Na nalalaman ko lang habang mag-eere. Na meron pala kaming… additional host na bibigyan ng bulaklak.

“Huwag niyo na lang tanungin kung sino… Panoorin niyo na lang. Basta ganu’n. ’Yung mga ganu’ng bagay na… nagde-decide sila na meron palang permanent na host na new member… ano ba naman ’yung sabihan niyo ako? Ito po’y mag-eere na. Ano ba yung konsultahin niyo ako? Tapos, pagdating du’n, iba-iba ’yung kuwento. So…”

Feeling niya, naba-bypass na siya bilang direktor ng programa.

“Pero ano yun, talagang ano lang… talagang… Meron naman silang sariling diskarte, nire-respect ko ’yon. Pero I believe, hindi na tama ’yon. So… hindi nila ako kailangan du’n.”

“Toxic” ang ginamit na salita ni Direk Bobet para i-describe ang iniwang sitwasyon sa istasyon kung saan siya nagtagal ng 19 na taon.

“Sad to say, ’yun po ang totoo talaga. Kagaya nu’n, nagsalita ako sa Lunch Out Loud kanina na ang pinili ko talaga is ’yung health. Kasi, hindi na healthy ’yung nararamdaman ko sa sarili ko.

Mentally and physically. Both. It’s about health.

“Dati po kasi, ako ang lider du’n. Tapos, ang dami nang lider. Lahat po, gusto nang maging lider. So, it’s not good. Right after ng lockdown, nu’ng bumabalik-balik na kami, iba na ang patakbo.

“It’s their style. Hindi ko naman kinuwestiyon. Pero sabi ko, it’s not healthy for myself. Gusto ko lang humaba ’yung aking buhay. So, gusto ko ng peace of mind. Ayun po.”

Nang tanungin kung nakapag-usap ba sila ng misis niyang ABS-CBN executive na si Cory Vidanes, sagot ni Direk Bobet, “Hindi po ako… hindi po ako nakakarating, eh. Sarado po ’yung pinto.

Hindi po. Siguro, siyempre, merong… kasi, may proper channeling. May boss naman ako, eh. Si Lui Andrada. After kay Lui, kay… Lauren (Dyogi) yata ’yung pangalan nu’n? Tapos, kay Cory. So, ganu’n po ’yun.

“Kasi hindi nila ako kinakausap, eh. Hindi ko sila ganu’n kakilala.”

Nagpasa raw siya ng resignation letter kay Lui na ayaw daw tanggapin.

“Actually, ayaw nilang tanggapin. Kinausap naman nila ako. Kaya lang, sabi ko po kasi, talagang hindi na healthy ’yung nararamdaman ko. Pagod. Puyat. Hindi na ako happy. Siguro, ’yun, hindi nila puwedeng kuwestyunin. ’Yun ang nararamdaman ko. Hindi na ako maligaya,” diin pa ni Direk Bobet.

AUTHOR PROFILE